Contingency plan para sa mga Pilipino sa Taiwan, dapat ihanda na ng gobyerno

Iginiit ng MAKABAYAN coalition sa Marcos Jr., administration na maglatag na agad ng contingency plan para sa halos 160,000 na mga Filipino sa Taiwan.

Ito ay sakaling lumala ang tensyon bunga ng patuloy na aksyon ng Militar ng China laban sa Taiwan bilang pag-alma sa pagbisita dito ni US House Speaker Nancy Pelosi.

Kasabay nito ay binalaan ng Makabayan bloc ang Estados Unidos na huwag gagamitin ang alinmang bahagi ng Pilipinas bilang launchpad at transit zones para sa anumang pagkilos ng pwersa nito.


Kaugnay nito ay hinihiling ng grupo sa Amerika at China na ihinto na ang lahat ng pagkilos ng kanilang militar sa Taiwan.

Diin ng Makabayan bloc, nakakagambala ito sa kapayapaan at seguridad sa Asia Pacific region at maaring mag-udyok ng mas pina-igting na military exercises ng ibang bansa o partido sa rehiyon.

Ayon sa grupo, anumang isyu sa pagitan ng Taiwan, China at US at maaring maresolba sa mahinahon at diplomatikong paraan.

Facebook Comments