Manila, Philippines – Pinapalatag na ni Senator Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment o DOLE at sa iba pang kinauukulang ahensya ang contingency plan para sa mga overseas Filipino workers o OFWs na maaapektuhan ng nakaambang deployment ban sa Kuwait.
Ang pahayag ni Villanueva ay makaraang iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na papauwiin niya ang mga OFWs sa Kuwait kapag may isa pang mangagawang pinoy ang mamamatay doon.
Bilang chairman ng committee on labor ang employment, sinabi ni Villanueva na suportado nya ang planong deployment ban ng pangulo sa Kuwait pero dapat ay may kaakibat na hakbang ang gobyerno para sa kapakanan at kaligtasan ng mga maapektukhang OFWs.
Maliban dito ay pinapakilos din ni Senator Villanueva ang mga kinauukulang ahensya para resolbahin ang mga kaso ng pag abuso at pagmaltrato sa ating mga kababayan sa abroad.