Contingency plan para sa SEA Games opening ceremony, nakahanda na ayon kay Cayetano

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nakahanda na ang contingency plan sa pagsisimula ng 30th SEA Games bukas.

Ito ay bunsod na rin ng pinangangambahang pag-pasok ng Bagyong Tisoy sa PAR sa weekend.

Ayon kay Cayetano, may contingency plan na nakalatag sa Central at Southern Luzon gayundin sa NCR na pagdarausan ng sports ng SEA Games.


Marami din aniyang mga laro na indoor at kung sakali mang may mga pag-ulan ay may venue aniyang nakahanda para sa mga outdoor sports.

Umaasa lamang si Cayetano na huwag sanang tuluy-tuloy at malalakas ang pag-ulan dahil may sports tulad ng football na sa labas talaga ginagawa.

Kasabay naman ng opening ceremony bukas sa Philippine Arena ay pinayuhan ni Cayetano ang mga supporters at mga manonood na pumunta ng mas maaga ng isa o dalawang oras para hindi maipit sa traffic papuntang Philippine Arena sa Bulacan.

Paliwanag ni Cayetano, kahit may mga interchange na binuksan at wala namang pasok ng Sabado ay inaasahan ang 50,000 na manonood sa opening pa lamang ng SEA Games.

Pinayuhan din ng PHISGOC Chairman ang mga manonood na huwag na lang magdala ng sasakyan dahil may P2P buses na itinalaga sa iba’t ibang terminal para sumundo at maghatid sa mga manonood.

Kung hindi naman maiwasan magdala ng sasakyan ay inirekomend a ni Cayetano na mag-carpooling na lamang para bawas sa traffic bukas.

Facebook Comments