Contingency plan, tinalakay na ng Philippine Embassy sa Filipino community sa Iran, Lebanon at Israel

Pinulong na ng mga Embahada ng Pilipinas sa Israel at ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Iran, Lebanon at Israel.

Pinag-usapan sa pulong ang seguridad at kaligtasan ng mga Pilipino sa naturang mga bansa, gayundin ang contingency plans sakaling lumala ang sitwasyon sa rehiyon.

Nagbigay rin ng situation briefing ang Armed Forces Attache ng Philippine Embassy sa Israel.


Ibinahagi na rin sa Filipino community leaders ang assembly points, evacuation routes, at temporary shelters sakaling lalo pang tumindi ang giyera.

Napagkasunduan din na uunahing ilikas ang mga Pilipino na nasa mga hindi ligtas na lugar.

Facebook Comments