Manila, Philippines – Inatasan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng Philippine embassies partikular ang mga nasa conflict areas, na tiyaking ang kanilang contingency plans ay up-to-date.
Layon nito na matiyak na hindi mapapahamak ang mga Pilipino sakaling magkaroon ng kaguluhan.
Sa statement ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, sinabi nito na mahalagang matiyak na regular na nare-review at updated ang contingency plans ng bawat embahada ng Pilipinas.
Dapat aniyang matiyak na maipapatupad ng mabilis at epektibo ang contingency plans lalo na sa Middle East at sa Korean peninsula.
Sa ngayon, sampung milyon ang mga Pilipino sa buong mundo at dalawang milyon dito ay nasa Middle East; 65,000 sa South Korea, at 42,835 sa Guam.