Contingency plans sa NAIA, ipinalalatag ng isang senador

Pinaglalatag ni Senator Christopher “Bong” Go ng contingency plans ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang hindi na maulit ang inconvenience na naranasan ng mga pasahero noong Bagong Taon.

Binigyang diin ni Go na sa lahat ng pagkakataon ay mahalagang may nakahandang back-up plan upang maiwasan na maulit ang kaparehong aberya at hindi dapat na maging banta sa national security ang isang ‘technical glitch’.

Mahalaga aniyang may nakalatag na contingency measures nang sa gayon sakali mang magkaproblema ay mayroon agad na ikalawang option na hindi muling maaaberya ang air traffic management system.


Iginiit ng senador na pagdating sa mga teknikal na kagamitan at pasilidad ay dapat may nakahanda agad na contingency plan dahil nakasalalay dito ang pambansang seguridad at buhay ng mga pasahero.

Muli namang kinalampag ni Go ang pagtataas ng police visibility at aviation security sa NAIA habang patuloy na isinasaayos ang intelligence capabilities ng mga airport upang hindi makompromiso ang ligtas na paglalakbay ng mga pasahero.

Facebook Comments