
Patuloy ang mga tauhan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Officce (DRRMO) sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Cebu.
Una silang ipinadala ng lokal na pamahalaan sa nasabing lalawigan bilang dagdag pwersa o contigent sa pagbibigay tulong at pagsagip sa naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol.
Gamit ang CCFV Tanker Unit, naghahatid ng suplay ng malinis na tubig ang Manila DRRMO sa mga residente ng Barangay Caputatan Norte, Medellin, Cebu.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na misyon ng Manila local government unit (LGU) na magpaabot ng serbisyo, malasakit, at kalinga sa mga komunidad na lubhang naapektuhan ng kalamidad.
Bukod dito, una na silang nagbigay ng relief goods, medical assistance, at nakipagkoordinasyon sa mga lokal na awtoridad para sa mabilis at maayos na pagresponde sa pangangailangan ng mga apektadong residente.









