Hanggang February 24 mamamalagi sa Turkiye ang contingent team na ipinadala ng Pilipinas kaya inaasahan na bago ang March 1 ay nakabalik na sila sa bansa.
Sinabi ito ni Office of Civil Defense Assistant Secretary at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Raffy Alejandro sa briefing ng Laging Handa.
Ayon kay Alejandro, nakatulong ang ating team sa pag-assess ng 38 gusali sa Turkiye, kung saan nasa apat na katawan ang kanilang na-retrieve.
Binanggit ni Alejandro na sa ngayon ay wala pang planong mag-extend ang rescue team natin na naka-stand by na lamang at naghihintay ng abiso mula sa lokal na pamahalaan kung magsagawa pa sila ng operasyon sa ibang lugar sa Turkiye.
Sabi ni Alejandro, nasa 603 pasyente naman ang naasistehan ng medical team ng Pilipinas sa Turkiye na niyanig ng malakas na lindol noong Pebrero 6.