Contingent team na tutulong sa naganap na 6.9 magnitude na lindol, ipinadala ng MMDA sa Cebu

Nag-deploy na rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng contingent team sa Cebu kasunod ng magnitude 6.9 na lindol.

Ayon sa MMDA, ang 18-man contingent team ay binuo kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paganahin ang mga resources at magpadala ng agarang tulong sa mga apektadong komunidad.

Agad namang nakipag-ugnayan ang MMDA sa Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Emergency Operations Center Manager and Operations Section Head para sa deployment at isasagawang mga assessment.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, kinabibilangan ng naturang team ang mga personnel mula sa Public Safety Division at Road Emergency Group para magbigay ng tulong sa lahat ng mga apektadong residente.

Kasama rin dito ang pagbibigay ng tulong sa lahat ng nangangailangang residente at para sa recovery efforts sa mga lugar na labis na naapektuhan ng lindol.

Facebook Comments