Sasaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nakatakdang pirmahan ng kontrata para sa Metro Manila Subway Project, Quezon Avenue, Anonas station at Camp Aguinaldo station.
Gagawin ang contract signing ng nasabing subway project sa Malacañang, alas -2:00 ng hapon.
Tatawagin ang proyekto bilang Contract Package 102 na sasakop sa Quezon Avenue habang Contract Package 103 naman ang saklaw ng Anonas at Camp Aguinaldo station.
Makakasama ni Pangulong Marcos sa gagawing contract signing sina JICA Senior Vice President Nakazawa Keiichiro, Japan Chargé ‘affaires Matsuda Kenichi, DOTr secretary Jaime Bautista habang present din sa okasyon si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Bahagi rin ng programa ang briefing and AudioVisual Presentation patungkol sa ₱355.6 billion project na tinatayang magbubukas partially sa 2025 at fully operational na sa taong 2028.