Iginiit ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na contract tracing ang magiging susi sa pagpigil sa pagkalat sa bansa ng Omicron variant ng COVID-19.
Para kay Lacson, kailangang tutukang maigi ng gobyerno ang pagtunton sa mga indibidwal na nagkaroon ng contact sa nakumpirmang dalawang kaso Omicron sa bansa.
Pahayag ito ni Lacson, makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na mayroon na tayong dalawang kaso ng Omicron sa bansa kung saan isang Pilipino galing sa Japan at ang isang Nigerian national na dumating sa bansa galing Nigeria.
Diin ni Lacson, dapat gawin ng gobyerno ang lahat para maiwasan ang pagkalat ng Omicron variant sa bansa dahil posible itong makadagdag sa pinsala na inabot ng pandemya sa ating kalusugan at ekonomiya.
Kasabay nito ay pinayuhan ni Lacson ang publiko na gawin ang kanilang parte para mapigil ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa health protocols tulad ng pagsasagawa ng social distancing.