Hahanapin ng Pamahalaang Panlungsod ng Dagupan ang contractor o may gawa ng katatapos lamang na kalsada sa bahagi ng Sitio Sabangan, Bonuan Gueset.
Ayon kasi sa mga residente, isang buwan pa lamang umano nang matapos ang proyekto nang nagsilitawan na ang mga bakal at nadurog na ang semento.
Sa online live video ni City Mayor Belen Fernandez, kita ang pagbagal sa patakbo ng mga motorista dahil naging rough road na umano ito at posible pang ikasira ng mga piyesa ng sasakyan.
Taong 2022 umano ng simulang gawin ang kalsada ngunit hindi nagtagal ang benepisyong sana ay idulot nito sa mga residente.
Inirereklamo na rin ito ng mga drivers at ilang residente dahil sa perwisyo nito tuwing tag-ulan at maputik ang kalsada.
Kaugnay nito, nagbigay katiyakan ang alkalde na uulitin ang konstruksyon ng nasabing kalsada ngunit hindi pa tiyak kung kailan muling mapopondohan |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









