Contractor ng itinatayong gusali sa BGC sa Taguig na pinagtatrabahuhan ng 4 na naaksidenteng construction workers, tiniyak ang insurance ng mga manggagawa

Tiniyak ng contractor ng itinatayong gusali sa 34th corner Lane D sa BGC, Taguig City na covered ng accident insurance ang apat na construction workers na naaksidente kanina.

Ayon kay Engr. Harley Tagatac, Area Manager ng Monolith Construction and Development Corporation, kinakausap na rin nila ang mga pamilya ng mga naaksidenteng steelmen.

Kinumpirma rin ni Engr. Tagatac na tatlo sa mga sugatan ang nasa kritikal na kalagayan, habang ang ika-apat na construction worker ay nasawi pagdating sa ospital.

Sa initial report, gumuho ang ginagawang core wall para sa elevator ng itinatayong 28 palapag na gusali sa lugar.

Sa ngayon, suspendido muna ang konstruksyon ng itinatayong gusali.

Facebook Comments