
Tumangging magsalita tungkol sa mga ghost flood control projects sa lalawigan ng Bulacan ang contractor ng Wawao Builders.
Humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang may-ari ng Wawao Builders na si Mark Allan Arevalo subalit hindi nito sinagot ang tanong ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kung may mga ghost flood control projects itong kinasangkutan.
Iginiit ni Arevalo ang kaniyang “right against self-incrimination” matapos nitong tanggihan na sagutin ang katanungan na payo ng kaniyang abogado.
Hindi man sinagot ang mga ghost projects sa Bulacan pero inamin naman nito na mayroong flood control projects ang kompanya sa San Juan at Quezon City.
Hinikayat naman ni Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta ang Wawao Builders na ituro ang mga taga gobyerno na sangkot sa mga maanomalyang proyekto para sa posibilidad na hindi na sila sampahan ng plunder cases dahil naniniwala silang hindi ang mga contractors ang most guilty sa mga guni-guning flood control projects.









