Contractor ng nasirang paliparan dahil sa lindol dapat managot

Manila, Philippines – Para kay Senator Win Gatchalian, dapat managot ang contractor ng Clark International Airport na nagtamo ng malaking pinsala matapos yanigin ng 6.1 magnitude na lindol nitong Lunes.

Ikinatwiran ni Gatchalian na sa ating building code ay dapat hindi matinag sa lindol na hanggang 8 magnitude ang mga gusali at mga istraktura katulad ng paliparan.

Dagdag pa ni Gatchalian, dahil sa pagkasira ng Clark Airport ay mahigit 1,000 biyahe ng mga eroplano ang nakansela habang 200,000 mga pasahero ang na-stranded.


Binanggit din ni Gatchalian ang perwisyong idinulot nito sa mga naapektuhang Overseas Filipino Workers (OFWs) na pabalik sa kanilang trabaho sa ibang bansa.

Facebook Comments