Manila, Philippines – Pinakakasuhan ng House Committee on Housing and Urban Development ang contractor ng Yolanda Housing na JC Tayag Inc.
Sa press conference sinabi ni Committee Chairman Albee Benitez na nagsisinungaling ang contractor na si Juanito Tayag ng JC Tayag Builders Inc. matapos nitong ihayag sa pagdinig na hindi sila gumamit ng substandard na materyales sa Yolanda housing sa Eastern Samar.
Pero, sinabi ni Benitez na may pinapuntang team sa Balanginga Eastern Samar kung saan 6.53mm o 7.49mm lang na bakal ang ginamit sa halip na ang standard na bakal na 10mm.
Sa hiwalay na units ay gumamit ng 12mm steel bars sa halip na 16mm ang contractor.
Nakakuha din ng 800 Million ang JC Tayag Builders dahil sa proyekto ng Yolanda housing.
Bunsod nito ay nakatakdang kasuhan ng perjury at syndicated estafa ang JC Tayag Builders Inc. dahil sa breach of contract.