Contractor, Patay Matapos Barilin sa Harap ng Kanyang Bahay

299

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang contractor matapos pagbabarilin sa mismong harap ng kanyang bahay sa Barangay Fugu, Tuao, Cagayan.

Nakilala ang biktima na si Rico Callueng, 56 taong gulang, may asawa, contractor at residente ng Fugu, Tuao, Cagayan.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Tuao, dakong alas 9:45 ng umaga, April 11, 2021, dumating ang riding in tandem na mga suspek at pumasok sa compound ng biktima na kasalukuyang nakaupo sa harap ng kanyang bahay.

Dito na pinagbabaril ng maraming beses ang biktima gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Agad na tumakas ang mga suspek sakay ang motorsiklo matapos ang ginawang pamamaril.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktima na agad namang isinugod sa pinakamalapit na ospital subalit idineklara rin na dead on arrival (DOA).



Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong (3) basyo ng Caliber 45.


Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang tropa ng Tuao Police Station para sa ikadarakip ng mga salarin.

Inalerto na rin ang mga kalapit na hanay ng pulisya para sa agarang pagkakahuli ng mga suspek.

Facebook Comments