Siguradong makatatanggap ng sweldo ang job order at contractual employees ng gobyerno habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon na hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva, batay sa nakuha niyang kopya ng Joint Circular Number 1 ng Commission on Audit (COA) at Department of Budget and Management (DBM).
Base sa Joint Circular, matatanggap pa rin ng buo ang sweldo at magiging exempted sa ‘no-work-no-pay’ principle ang mga contract of service at job order workers ng pamahalaan kahit hindi sila makapagtrabaho dahil sa ECQ.
Ayon kay Villanueva, nasa 660,000 ang mga job order at contractual workers sa gobyerno kung saan 360,000 sa mga ito ay nasa Luzon.