Manila, Philippines – Muling magpupulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at mga labor group ngayong buwan para talakayin ang executive order ukol sa kontraktwalisasyon.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, nakatakda ang meeting sa April 16.
Umaasa ang kalihim na mapipirmahan na ng Pangulo sa araw na iyon ang E-O na magre-regulate ng contractualization.
Sa datos ng associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines na nasa 30 milyong Pilipino mula sa 41 million labor force ay nagtatrabaho sa ilalim ng contractualization scheme na walang security of tenure at iba pang benepisyo.
Facebook Comments