Contribution hike sa mga miyembro ng SSS, kasado na sa Enero

Nakatakda nang ipatupad ng Social Security System (SSS) sa Enero ang isang porsyentong dagdag sa buwanang kontribusyon sa mga miyembro nito.

Layunin nitong maitaas ang mga benepisyo at pondo para sa pension.

Ayon kay SSS President and CEO Aurora Ignacio, ang monthly contribution rate ay tataas sa 13% mula sa kasalukuyang 12% ng kanilang sahod, pero hindi sa puntong lalagpas sa maximum monthly salary credit (MSC).


Batid nila ang kalagayan ng mga employer at miyembro, pero tungkulin din ng SSS na mapahaba ang pondo nito para patuloy na maihahatid ang social security protection sa mga kasalukuyan at sa mga susunod pang mga miyembro, maging sa mga benepisyaryo.

Para sa mga employed members kabilang ang mga OFWs, ang karagdagang 1% ay hahatiin sa pagitan nila at ng kanilang mga employer.

Ang mga mayroong 10,000 monthly salary credit (MSC) ay magbabayad na sa susunod na taon ng ₱1,300 na kontribusyon.

Ang MSC ay i-a-adjust sa ₱3,000 mula sa dating ₱2,000 maliban sa mga kasambahay, at mga OFW naman na may minimum MSC ay mananatili sa ₱1,000 hanggang ₱8,000.

Ang maximum MSC ay itataas sa ₱25,000 mula sa dating ₱20,000.

Ang MSC ay ikinokonsidera para sa computation ng mga benepisyo sa ilalim ng regular social security program.

Ang mga kontribusyon na may MSC na higit sa ₱20,000 ay mapupunta sa Worker’s Investment and Savings Program (WISP), ang pondo na magbibigay ng karagdagang pension income para sa mga miyembrong umaambag sa ilalim nito.

Facebook Comments