Mas maginhawa at magaang pagsha-shopping ang asahan ng mga customer sa mga mall.
Ito ay matapos luwagan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang control measures sa mga mall at shopping centers.
Sa ilalim Memorandum Circular 20-55, pinapayagan na ng DTI ang mga malls at commercial center na i-set ang kanilang air conditioning na mas mababa sa 24 degrees Celcius, magbigay ng libreng WiFi services sa kanilang mga customers at pagsasagawa ng sales at promo events.
Gayumpaman, nagpaalala ang DTI na kailangang sundin ng mga malls at commercial centers ang seven commandments laban sa COVID-19.
Kabilang na rito ang pagsusuot ng face masks at face shield, walang mag-uusap o kakain sa loob ng mga kulob na lugar, maayos na ventilation, palagiang disinfection, physical distancing at isolation ng mga symptomac o mga nagpositibo sa COVID-19.
Ang DTI ay patuloy na imo-monitor ang mga malls sa pamamagitan ng post-audit mechanism.