CONTROVERSIAL AD CONTRACT | Kolumistang si Ramon Tulfo, tinawag na ‘black sheep’ ang kapatid na si Ben Tulfo

Manila, Philippines – Ito ang tawag ng kolumnistang si Ramon Tulfo sa kanyang kapatid na si Ben Tulfo matapos makaladkad ang kanilang pamilya sa kontrobersyal na 60 million pesos advertisement contract.

Ayon kay Ramon, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi sa kanya na huwag nang pag-usapan ang kontrobersiyang kinasangkutan ng kanilang pamilya.

Sa kanyang artikulo sa Philipppine Daily Inquirer, sinabi ni Ramon na dapat purihin si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawa nitong pagsibak kay dating Tourism Secretary Wanda Teo.


Hindi rin niya isinulat ang artikulo para ipagtanggol ang kanyang kapatid.

Pero ang pagkakamali aniya ni Teo ay hindi ito kumuha ng mga matatalinong tauhan para pumigil sa kanya na pirmahan ang blocktime contract ni Ben sa PTV4.

Nakasaad pa rito na mayroong ‘Middle Child’ syndrome si Ben at hindi na niya dapat pinakialaman ang kontrata na magdudulot lang ng conflict of interest sa kapatid na si Wanda.

Binanatan naman ng abogado ni Teo na si Atty. Ferdinand Topacio si Ramon matapos siyang sabihan na puro dakdak lamang siya.

Hindi rin nakaligtas kay Ramon ang asawa ni Wanda na si Roberto Teo na dapat kusang nagbitiw ito sa Tourism Infrastructure Enterprises Zone Authority (TIEZA) dahil masyado nang abala ang kanyang misis para mapansing nagkakaroon na ng nepotismo sa kanyang bakuran.

Sa kabila nito, suportado ni Ramon na malinis ang pangalan ni Wanda pero hindi kay Ben.

Facebook Comments