Manila, Philippines – Sa unang tingin pa lang ni Liberal Party o LP President Kiko Pangilinan ay iregular nga ang 60 milyong pisong halaga na ginastos ng Department of Tourism o DOT para sa mga advertisement nito sa PTV 4.
kaugnay nito ay iginiit ni senator pangilinan sa Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon.
katawa tawa at hindi rin katanggap-tanggap para kay pangilinan ang paliwanag na may ginawang kasunduan ang DOT sa PTV 4.
katwiran ni Pangilinan, kung tatanggapin ang paliwanag ni Tourism Secretary Wanda Teo, ay lalabas na pwede nang maglaan ng milyun-milyong pisong halaga ng proyekto at programa ng pamahalaan ang mga miyembro ng gabinete sa kani-kanilang mga kapatid o asawa.
ang kontrobersyal na milyung pisong halaga ng advertisement ng dot ay umere sa programa ng kapatid ni Tourism Secretary Teo sa PTV 4.