Manila, Philippines – Pinagbibitiw na ng MAKABAYAN sa Kamara si Tourism Sec. Wanda Teo kasunod ng pagkakatuklas sa P60 Million controversial ad contract ng Department of Tourism na ibinigay sa Bitag Unlimited Media Inc. o BUMI na pagmamay-ari ng kapatid niyang si Ben Tulfo.
Giit ni Anakpawis Partlist Rep. Ariel Casilao, pairalin dapat ni Teo ang delicadeza at magbitiw na sa pwesto.
Aniya, noong una pa lamang sana ay ipina-atras na ni Teo ang kontrata sa BUMI na pag-aari ng kapatid nito at saka ipina-rebid para maiwasan sana ang conflict of interest.
Ngunit ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, tailored-made ang kontrata at hindi totoong `agency to agency` ang kontrata para sa P60 million ad ng Tourism kundi sadya itong ibinigay sa BUMI.
Nagtataka naman si ACT Tecahers Rep. Antonio Tinio na napakalaki ng halagang ibinigay ng DOT sa BUMI na ini-ere sa PTV4 kung ikukumpara sa mga malalaking television network.