CONTROVERSIAL KISS | Pangulong Duterte, muling dinepensahan ang kanyang sarili

Lapu-Lapu City – Muling dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili matapos ang paghalik niya sa isang Pinay sa South Korea.

Sa kaniyang talumpati sa Lapu-Lapu City, sinabi ng Pangulo na estilo lang niya ang paghalik sa mga babae at pang-aasar lang niya sa kaniyang mga kritiko.

Kasabay nito, muling nagbabala ang Pangulo sa mga politikong nasasangkot sa droga.


Nagbanta rin ang Pangulo na kakasuhan niya ang mga barangay official na hindi mareresolba ang mga krimen at ilegal na droga sa kani-kanilang lugar.

Giit pa ng Pangulo, wala siyang sasantuhin na kahit sinong opisyal kahit na malapit pa ang mga ito sa kaniya.

Facebook Comments