CONTRUCTION WORKER, NANAKSAK NG DALAWANG LALAKI GAMIT ANG TARI NG MANOK SA ISANG BEERHOUSE SA MALASIQUI

Tiklo ang isang construction worker matapos saksakin ang dalawang lalaki sa isang beerhouse sa Brgy. Cabatling, Malasiqui, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang suspek at tatlong kasamahan sa isang beerhouse nang dumating ang grupo ng mga biktima bandang alas dose ng madaling araw noong November 1.

Nanggulo umano ang mga biktima dahilan upang dumepensa ang suspek laban sa mga ito.

Gamit ang tari ng manok, sinaksak ng suspek ang dalawang biktima sa tiyan at dibdib.

Agad na naitakbo ang mga biktima sa pagamutan.

Makalipas ang ilang oras, naaresto naman ng awtoridad ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation.

Narekober mula sa kustodiya nito ang dalawang tari ng manok na ginamit sa krimen.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Malasiqui Police Station na haharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments