Tiwala ang isa sa mga convenor ng opposition coalition na 1Sambayan na ihahayag na rin ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang desisyon sa pagtakbo sa 2022 presidential election.
Ayon kay Bro. Armin Luisto, sigurado siyang bago mag-Oktubre a-otso ay isasapubliko na ni Robredo ang kaniyang plano.
Una nang lumabas ang mga report na posibleng tumakbo si Robredo bilang gobernador sa kaniyang hometown matapos na kumalat ang kaniyang mga larawan na nagpalipat siya ng voter registration sa Magarao, Camarines Sur mula sa orihinal na registration nito na Naga City.
Pero paniwala ni Luistro, ang pagbabalik ng bise presidente sa kaniyang bayan ay isang “sentimental journey” lalo na’t gagawa siya ng mahalagang desisyon sa kaniyang buhay at para sa taong bayan.
Noong Huwebes ay pormal nang inindorso ng 1Sambayan si Robredo bilang kanilang presidential candidate para sa 2022 presidential election.