Bahagi sa mga inihahandang plano ng lokal na pamahalaan ng Balungao sa pangunguna ni Mayor Peralta ang paglulunsad ng Convergence Project na may layong makapagbigay trabaho para sa mga residente daan upang mas mapataas pa ang employment rate sa nasabing bayan.
Saklaw ng nasabing proyekto ang coffee planting, goat academy, milk industry at iba pa na pagmumulan ng trabaho laan para sa mga interesadong mga residente.
Kaugnay sa tinatarget na pagproduce ng gatas ng kalabaw, nakikipag-ugnayan na rin ang lokal ng pamahalaan sa bayan ng Asingan bilang ang bayan ay bantog na producer ng carabao milk upang mas mapataas pa ang potensyal ng produksyon nito.
Ani ng alkalde na mataas ang employment rate ng bayan at patuloy na isinusulong ang mga job fair caravan upang magbukas ng oportunidad para sa mga residente ng Balungao.
Samantala, nabanggit din ng alkalde ang ilulunsad pang mga aktibidad partikular sa Agricultural sector at nakikipag-ugnayan na rin umano ito sa iba’t-ibang mga ahensya tulad ng DENR, DA, DTI DOST at iba para sa pagsasakatuparan nito.

Facebook Comments