Convicted ‘Killer’ sa Isabela, Boluntaryong Sumuko sa PNP!

341

*Cauayan City, Isabela-* Boluntaryong sumuko sa himpilan ng PNP Cauayan City ang isang magsasaka na convicted sa kasong double murder with homicide na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ang kusang sumuko ay kinilalang si David Maximo, 69 anyos, may-asawa at residente ng District 1, Cauayan City, Isabela na nasentensiyahan ng dalawang habambuhay na pagkakabilanggo sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.


Siya ay nakulong ng tatlumpu’t walong taon sa nasabing piitan at noong nakaraang taon ay nagulat umano siya nang siya’y makatanggap ng pabatid noong kalagitnaan ng buwan taong 2018 na siya’y maaari ng makalaya dahil sa kanyang mga nagawang kabutihan sa loob ng bilangguan.

Si Maximo ay nagsilbing preacher sa loob ng bilangguan ng mahabang panahon matapos makulong sa edad na dalawampu’t siyam na taong gulang nang makapatay dahil sa umano’y pangungutya sa kanya ng kanyang mga naging biktima.

Dagdag pa nito, napagpasyahan ng kanyang pamilya na siya’y sumuko na lamang bilang pagsunod sa utos ng Pangulo sa lahat ng mga napalayang bilanggo at nakibang sa GCTA upang hindi mapasama sa ‘shoot to kill order’ ng Presidente.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ang PNP Cauayan sa BuCor kaugnay sa pagsuko ng naturang convicted ‘killer’ na pansamantlang nasa pag-iingat ng kapulisan habang hinihintay ang anumang utos mula sa BuCor.

Facebook Comments

From Advertisers