Conviction sa P393-M graft case ni ex-Maguindanao Gov. Ampatuan, pinagtibay ng Sandiganbayan

Pinagtibay ng Sandiganbayan ang conviction ni dating Maguindanao Governor Sajid Ampatuan kaugnay ng kinakaharap niyang P393 milyong graft case at malversation.

Ito ay may kinalaman sa pagpapatayo ng farm-to-market roads sa kanyang lalawigan.

Sa ipinalabas na resolusyon ni Associate Justice Bernelito Fernandez, ibinasura nito ang motion for reconsideration ni Ampatuan dahil sa kakulangan sa merito.


Noong October 2024, sinentensyahan ng Sandiganbayan Third Division si Ampatuan ng mula walo hanggang 12 taong pagkabilanggo dahil sa kasong graft at life imprisonment dahil sa kasong malversation.

Sa desisyon ng Sandiganbayan, ang dating gobernador ay hindi na pinapayagang magserbisyo sa alinmang tanggapan ng gobyerno at pinagbabayad ng multang P393-M at dagdag na P393-M bilang restitution para sa Bureau of Treasury.

Tatlo sa kapwa akusado ni Ampatuan na sina dating provincial treasurer Osmeña Bandila at dating provincial accountant John Estelito Dollosa ay namayapa na habang dinidinig ang kaso habang ang state auditor Danny Calib ay napawalang sala dahil sa kawalan ng ebedensiya.

Facebook Comments