Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na iwasan ang mga lansangan na maaapektuhan ng convoy dry run sa October 15 para sa Association of Southeast Asian Nations Summit sa November.
Ayon kay Emmanuel Miro, head ng operations ng Task Force MMDA ASEAN, dapat iwasan ang ilang kalsada na bahagi ng dry run mula alas 6:00 hanggang alas 10:00 ng umaga.
Apektado ng convoy dry run ang sumusunod:
*Mula Clark International Airport, Pampanga hanggang Metro Manila:*
Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX)
North Luzon Expressway (NLEX)
EDSA
*Papuntang Manila hotel:*
SLEX
Skyway
Buendia Extension
Diokno Boulevard
Roxas Boulevard
*Papuntang Bonifacio Global City, Taguig City:*
McKinley street
5th to 30th streets
*Papunta sa the Peninsula Manila, Makati City:*
Ayala Avenue
Makati Avenue
*Papunta sa PICC, Pasay City:*
Jalandoni Street
Araniz Street
Sotto Street