Cooperative, independent at transparent na Senado, tiniyak ni Senate President Tito Sotto III

Tiniyak ni Senate President Tito Sotto III ang isang cooperative, independent, transparent at sinserong Senado matapos na mahalal na bagong lider ng Senado kapalit ni Senator Chiz Escudero.

Sa acceptance speech ni Sotto, siniguro niya na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para pamunuan ng mabuti ang Mataas na Kapulungan.

Nagpasalamat din si Sotto kay Escudero na nag-administer ng kanyang oath-taking ngayong hapon gayundin sa kanyang mga kasamahan na nagbigay sa kanyang ng tiwala at kumpyansa.

Sa ambush interview, para sa transparency ay titiyakin ni Sotto na may livestreaming tuwing budget deliberations, bicameral conference committee at kahit kapag may smaller bicam.

Siniguro rin ng Senate president na hindi maapektuhan ng bagong leadership ang mga pagdinig tulad ng budget hearings at minimal lamang kung may mga pagbabagong gagawin sa mga committee chairmanship.

Facebook Comments