Sa layuning mas palakasin pa ang kampanya kontra illegal drugs at maiwasan ang hindi mga inaasahang mga insidente sa drug operations, nagsagawa ng pagpupulong ang mga security forces katuwang ang Moro Islamic Liberation Front kahapon.
Isinagawa ang meeting sa 6th ID Kampilan Headquarters at pinangunahan mismo ni 6th ID Commander BGen. Cirilito Sobejana kasama ang mga opisyales mula PNP Region 12, ARMM, National Bureau of Investigation , Philippine Drug Enforcemeny Agency 12 , ARMM, OPAPP Representative at GPH-MILF CCCH Officials.
“Proper Coordination” ito rin aniya ang bottomline ng meeting ayon pa kay Army Cpt.Arvin John Encinas sa panayam ng DXMY. Kaugnay nito kapwa nagpaabot ng kani kanilang mga suporta ang mga dumalong ahensya .
Samantala, iginiit naman ni Gen. Sobejana na nagpapatuloy pa rin ang internal cleansing sa buong hanay ng 6th ID sa pamamagitan ng surprise drug test, “We are the guards of the gates of change and we have to start the change within us,” dagdag ng heneral.
Kabilang sa mga lumahok sa inter agency meeting ay sina Butch Malang ng MILF CCCH, PSSUPT Madid Paitao DRDA ng PRO ARMM, PSSUPT Ulysses Caton DRDA ng PNP 12, Atty Arnold Rosales Regional Director ng NBI ARMM, RD Jet Carino ng PDEA 12 at mga opisyales ng PDEA ARMM
Kampilan Photo