Coordinator ni presidential aspirant Senador Ping Lacson, inalok ng P500 para dumalo sa mga rally

Ibinulgar ni presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson na inalok ng P500 ang kaniyang coordinator para dumalo sa isinagawang rally sa lalawigan ng Rizal.

Sa isinagawang presscon sa Zamboanga City, sinabi ni Lacson na nalulungkot siya dahil sa hindi tumataas ang antas ng kalidadad ng pangangampanya kung saan ay makalumang istilo pa rin ang ginagawang pangangampanya gaya ng paghahakot at pag-e-entertain sa tao.

Paliwanag pa ni Lacson, dapat maresolba na ang sistema ng paghahakot at itaas ang antas ng pangangampanya sa pamamagitan ng isyu.


Binigyang diin pa ni Lacson na kapag ang isang presidente mo ay kwapilikado bilang pangulo ay dapat huwag na umanong mag-alinlangan na iboto sa darating na eleksyon.

Facebook Comments