Corals, muling nabubuhay sa ilang bahagi ng Manila Bay – DENR

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources-Ecosystems Research and Development Bureau na natuklasan nilang may mga nabubuhay na corals sa tubig ng Manila Bay.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, patunay lang ito na may pag-asa pang maisalba ang Manila Bay.

Karamihan ng mga live coral ay nakita sa Corregidor at Caballo Islands sa probinsiya ng Cavite.


Matatatandaang Enero 27, 2019 nang pormal na inilunsad ang malawakang cleanup ng Manila Bay.

 

Facebook Comments