Cordillera, nag-iisang rehiyon na lang sa bansa na may naka-granular lockdown dahil sa COVID-19 ayon sa PNP

Isang rehiyon na lang sa bansa ang may naka-granular lockdown dahil sa COVID-19.

Ito ang inihayag ng Philippine National Police (PNP) kasabay ng pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa datos ng PNP Command Center, nasa tatlong barangay sa tatlong bayan na lamang sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang isinailalim sa granular lockdown.


Katumbas ito ng tatlong kabahayan na binubuo ng anim na katao na mayroon pang kumpirmadong kaso ng virus.

Habang sa Metro Manila naman, inihayag ng PNP na wala na silang naitalang lugar na isinailalim sa granular lockdown.

Patuloy ang panawagan ng PNP sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health and safety standards kontra COVID-19 para maiwasan pa rin ang hawaan ng virus.

Facebook Comments