Cordillera People’s Alliance, Idineklarang Persona Non-Grata sa Sadanga

48

Cauayan City, Isabela- Pormal nang idineklara bilang ‘PERSONA NON-GRATA’ ang grupo ng Cordillera People’s Alliance (CPA) sa buong Bayan ng Sadanga, Mountain Province.

Ito ay batay sa Resolution No.01 series of 2020 na pirmado ng mga kinatawan ng bawat ahensya sa bayan kabilang ang lahat ng kapitan ng barangay.

Batay sa resolusyon, tatlong dekada na ngayon na patuloy na hinihikayat ng nasabing grupo ang karamihan sa mga mag-aaral sa mga unibersidad para makiisa sa kanilang organisasyon.

Binansagan din na defacto propaganda machine ang grupo na patuloy umano ang destabilisasyon sa National Government sa kabila ng panunungkulan ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments