Cordillera People’s Alliance, Persona-non-Grata sa Tino, Ifugao

Cauayan City, Isabela- Idineklarang Persona-non-Grata sa buong bayan ng Tinoc, Ifugao ang grupo ng Cordillera People’s Alliance (CPA) at iba lang leftist group.

Alinsunod ito sa Resolution no. 2020-247 na pinagtibay ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan at may lagda ni Mayor Samson Benito.

Nakasaad sa resolusyon na front organization umano ng CPP-NPA ang CPA sa Cordillera region.


Bahagi ng deklarasyon na masigurong ligtas ang mga residente sa bayan laban sa posibleng karahasan.

Umaasa naman ang LGU na sa ganitong hakbang ay mapapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang bayan.

Facebook Comments