Cordillera Regional Police Office, nanguna sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP

Nangunguna ngayon sa mga pinakamaraming pulis na nagpositibo sa COVID-19 ang Cordillera Regional Police Office.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service kahapon, mayroong 55 bagong kaso ng COVID-19 sa Pambansang Pulisya, kung saan 27 ay naitala sa Cordillera na natukoy na karamihan ay mga police trainees.

Pangalawa ang CALABARZON na siya na kaso, tig-apat ang National Capital Region (NCR) at Western Visayas o Region 6.


Tatlo naman ang na-record sa mga National Operations Support Units (NOSU), tig-dalawa ang National Headquarters, Central Luzon at Bicol Region, at tig-isa naman ang Northern Mindanao at SOCCSKSARGEN.

Dahil dito ay umakyat na sa 6,195 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa PNP.

1,059 sa mga ito ang active cases dahil gumaling na ang 5,119 sa kanila at nananatiling 17 ang namatay dahil sa COVID 19.

Facebook Comments