Cordillerans sa Israel!

13

Benguet, Philippines – Inimbitahan ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa Israel ang mga Mayor ng Benguet at Mountain Province para obserbahan at pag aralan ang teknolohiya ng agrikultura ng Israel.

Nagpakita naman ng interes ang ilang mga Mayor na naimbitahan at ito ay inaasahang gaganapin sa Nobyembre 25 hanggang sa Disyembre  1.

Noong Abril lamang ngayong taon habang isinasagawa ang Biyaheng Bukid na proyekto ng Department of Agriculture ay ang embahada na mismo ng Israel sa Pilipinas ang nag-imbita sa ilang lider para obserbahan at pag aralan ang agrikultura ng nasabing bansa.

Facebook Comments