Inalmahan ng grupong Constitutional Reform Movement ang pahayag ng Makabayan Bloc kontra sa isinusulong na constitutional reforms.
Ayon kay Atty. Vicente Homer Revil, CORE National Chairperson, misleading o nagliligaw ang pahayag ng Makabayan Bloc sa House of Representatives na “bad timing” umano ang gagawing pagtanggal sa ‘restrictive’ economic provisions sa Constitution sa gitna ng pandemic.
May layunin lang daw ito na palawigin ang termino ng mga elected officials.
Ayon kay Revil, hindi na dapat hanapan ng right timing na iakma ang Saligang Batas sa new normal set-up na sa bandang huli ay mga mga Pilipino ang makikinabang.
Ang reporma aniya ay naglalayong palakasin ang bansa alinsunod sa lalim ng bagong sistema.
Giit ni Revil, ipagkakait ng oposisyon sa sambayanan ang benepisyo ng mas masiglang investment climate kung patuloy na sasalungatin ang gagawing amendments.