CORN FARMERS, MAS PINILING MAGTANIM NG KAMOTENG KAHOY

CAUAYAN CITY- Dahil sa matinding init ng panahon at kawalan ng tubig, napagdesisyunan ng mga magsasaka sa Brgy. Baculod na magtanim na lamang ng kamoteng kahoy kaysa sa mais.

Sa panayam ng IFM News Team kay Committee on Agriculture Annaliza Rivera, kamoteng kahoy ang napili na lamang itanim ng mga magsasaka sa kanilang barangay dahil hindi umano ito sensitibo sa init, hindi tulad ng mais.

Aniya, marami umanong residente ang nalugi noong nakaraang anihan, samantala, kapansin-pasin naman na mas kumita at hindi apektado ng El Niño ang mga may tanim na kamoteng kahoy.


Dagdag pa nito, kumpara sa mais ay mas maliit lamang ang kinakailangang puhunan sa pag tatanim ng nasabing kahoy at maaari pang kumita ng dalawang daang libong piso bawat hektarya.

Samantala, dahil sa biglaang pagtaas ng bilang ng mga magsasakang nagtamim nito, nagkaubusan ng cassava stalks sa kanilang suplayer.

Facebook Comments