CORN FARMERS SA BAYAN TAYUG, NATANGGAP ANG FUEL SUBSIDY

Nakatanggap ang ikalawang batch ng corn farmers o mga nagtatanim ng mais sa bayan ng Tayug ng fuel subsidy mula sa programa ng Department of Agriculture.
Apatnapu’t-isang magsasaka ang nabenepisyuhan ng nasabing subsidy na nagkakahalaga ng ng tatlong libong piso na ilalaan para sa kanilang mga kakailanganing mga resources sa pagsasaka tulad na lamang ng gagamiting panggasolina.
Daan ito ng kagawaran ng tulong pinansyal sa mga corn farmers na mula sa iba’t-ibang barangay sa nasabing bayan dahilan ang nangyaring matataas ng farm inputs.

Samantala, ang nasabing programa ng DA na fuel subsidy ay partikular para sa mga corn farmers and fisherfolks na eksklusibong gumamit ng subsidy upang panggatong ng kanilang mga makinarya sa sakahan at mga de-motor na banca. |ifmnews
Facebook Comments