Coron, Palawan target buksan sa mga lokal na turista simula sa Disyembre

Target buksan sa mga lokal na turista mula sa iba’t ibang panig ng bansa pagsapit ng December 1 ang Coron, Palawan.

Ito ay matapos ihayag ni Palawan Governor Jose Alvarez na muling bubuksan ng bayan sa mga lokal na turista kapag nawala ang COVID-19 sa kanilang lugar.

Sa anunsyo ng Coron’s municipal tourism office, ang mga residente ay papayagan muling magsagawa ng tourism activities simula sa October 26, habang ang mga manggagaling sa Calamian Island Group ay papayagang pumasok sa lugar simula November 16.


Ang Calamian Group of Islands ay binubuo ng Busuanga, Culion at Coron islands.

Ang Coron, Palawan ay ikinokonsiderang adventure paradise na sikat sa wreck diving, kayaking, island-hopping at snorkeling activities.

Mayaman din ang isla sa biodiversity, white sand beaches, mangrove swamps at mala-bughaw na kulay na mga lawa.

Facebook Comments