*Cauayan City, Isabela*- Nagtatag ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ng Inter Agency Task Force on Corona Virus na layong makasiguro na walang makakapasok na nakamamatay na sakit sa probinsya.
Sa ginawang emergency meeting kahapon (Feb. 11, 2020), nagbigay ng kautusan si Isabela Vice Gov. at acting Governor Bojie Dy III na i-activate na ang Localized Emergency Response Team.
Kasabay nito ang kautusan na magtalaga na ng Isolation Center sa lalawigan sakaling magkaroon ng mas maraming kaso ng Person Under Investigation (PUI). Agad namang tinukoy ang likurang bahagi ng Evacuation Center ng kapitolyo sa birthing place.
Giit ni Dy, ito ay preemptive measures at hindi na kinakailangang magdeklara ng state of calamity para magamit ang pondo. Sa ngayon, tanging ang Southern Isabela Medical Center sa Santiago City at Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao city ang pinagdadalhan sa mga persons under investigation.
Gayunpaman, tinatayang hanggang 10 pasyente lamng ang kayang I accommodate ng Southern Isabela Medical Center. Ito ang dahilan kung bakit kailangang magkaroon ng karagdagang isolation center.
Sa mga susunod na araw ay magiging visible ang Isabela Inter Agency Task Force on N-CoV sa buong lalawigan para magbigay ng tamang impormasyon may kaugnayan sa sakit na ito.