Coronavirus transmission sa bansa, bumabagal na dahil sa umiiral na MECQ

Bumabagal na ang pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila dahil sa ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Professor Guido David ng University of the Philippines (UP)-OCTA research team, hindi pa masyadong nararamdaman ngayon ang pagbagal dahil may delay ang epekto ng paghihigpit sa community quarantine.

Pero sa susunod na dalawang linggo ay inaasahang makikita ang pagbagsak ng mga bagong kaso.


Sa pagtaya ng UP-OCTA research team, inaasahang papalo sa 190,000 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Agosto.

Facebook Comments