BAYAMBANG, PANGASINAN – Matagumpay na tinalakay sa mga magsasaka ng bayan ng Bayambang ang ukol sa usaping pagpapalago ng sektor ng agrikultura.
Partikular na tinalakay ng mga kawani ng Pangasinan Provincial Agriculture Office ang Corporate Farming Program at Kadiwa Program kung saan dinaluhan ito ng mga presidente ng mga grupo ng magsasaka sa bayan.
Layunin ng corporate farming program na isang programa ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ay mayroong malalaking mga grupo o korporasyon ang mangangasiwa ukol sa agrikultura na naglalayong magkaroon ng maayos at maganda epekto sa agrikultura sa pamamagitan ng modernisasyon sa pagtatanim ng mga palay at upang magkaroon ng mas maraming produksyon sa mga sakahan na siyang ginagawa rin sa ibang bansa.
Sa patuloy na paglulunsad ng ganitong programa ukol sa pagpapalago ng agrikultura ay malaki ang pag-asa na magkakaroon ng masagana at maayos na pamamalakad sa agrikultura.
Samantala, ibinahagi rin sa mga partisipante ang ukol sa Kadiwa Program ng pangulong Marcos na may layuning mailapit sa mga Pilipino ang mga mura at dekalidad na produkto mula sa mga magsasaka at mga kabilang sa MSMEs.
Matatandaan na kabilang ang Kadiwa Program ang tinalakay ng Pangulo sa kanyang naging ikalawang SONA noong July 24, 2023. | ifmnews
Facebook Comments