Corps of Police Psychologist, pinabubuo ni PNP Chief Archie Gamboa para mabigyang atensyon ang mga pulis na nakararanas ng anxiety at stress dulot ng COVID-19 pandemic

Iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa kay Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lt. Gen. Camilo Cascolan ang pag-organize ng grupo ng mga police psychologist.

Ito ay upang mabigyang atensyon ang mental health ng mga PNP personnel na nakatalaga sa mga frontline duties.

Ayon kay Gamboa, hindi lamang prone sa COVID-19 ang mga pulis, maging sa anxiety at stress dulot ng pandemya na maaaring magresulta sa serious mental health condition.


Inatasan na rin ni Gamboa si Directorate for Personnel and Records Management Director Police Major General Reynaldo Biay na umpisahan na ang pagtukoy sa mga pulis na sanay sa clinical psychology mula sa iba’t ibang units ng PNP, ito ay para mapasama sa Corps of Police Psychologist.

Samantala, inanunsyo na rin ng PNP Health Service ang muling pagsasagawa ng Annual Physical Examination (APE) ng PNP personnel para sa taong 2020 na gagawin sa July.

Kinakailangan naka-complete uniform ang mga pulis na sasailalim sa Annual Physical Examination at dapat sundin pa rin ang physical distancing at minimum health standards sa pagrereport sa PNP Health Service.

Facebook Comments