Good news!
Makatatanggap ng hindi lalagpas sa P7,000 gratuity pay ang mga kawani ng gobyerno na nagtatrabaho sa ilalim ng contract service o mga job order para sa taong ito.
Tumaas ng P2,000 ang matatanggap ng gratuity ng mga ito mula sa P5,000 noong nakaraang taon.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Administrative Order No. 28 na nagbibigay ng one time gratuity pay sa mga COS at JO na nakapagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan at hanggang sa Disyembre 15.
Kwalipikado sa makatatanggap nito ay mga COS at JO na nasa national government agencies, state universities and colleges, government owned and controlled corporations at local water districts.
Epektibo na agad ang kautusan oras mailimbag sa Official Gazette at mga pahayagan na may general circulation.