COS ni VP Sara, ipapaaresto ng ng Blue Ribbon Committee

Nagbanta ang House Committee on Good Government and Public Accountability na papatawan ng contempt at ipapaaresto ang Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Zuleika Lopez kung hindi ito dadalo sa pagdinig bukas.

Sinabi ito ni Committee Vice Chairman at Zambales Rep. Jay Khonghun matapos mabatid na nakauwi na sa Pilipinas si Lopez mula sa Estados Unidos kung saan inaalagaan daw nito ang tiyahin na may sakit kaya hindi nakadalo sa mga nakaraang pagdinig.

Ipinaalala naman ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union ang nakasaad sa liham ni Lopez sa komite na pangakong haharap na ito sa susunod na hearing sa oras na makabalik na ito sa bansa.


Magugunitang sa nakaraang pagdinig ay pinatawan ng contempt ng komite ang apat na opisyal ng Office of the Vice President dahil sa patuloy na hindi pagsipot sa hearing ukol sa paggastos ng kabuuang P612.5 milyong confidential funds ng OVP at ng Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara.

Facebook Comments